BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, May 2, 2011

Chapter 32 (LOVE FATE DESTINY)

Habang papalabas ng bahay si devon , hindi na niya kayang pigilin ang luha niya , kaya tuluyan siyang napaiyak at umulan din ,
Ryan : devon !!
Hand sign lang na okay ang isinagot niya kay ryan habang patuloy sa paglalakad .
“patawarin nyo ako , gusto ko munang mapag-isa” devon .
Jenny : aalis pa din siya , kahit umuulan ?.
Ryan : dinadamayan kase siya ng langit , hindi nyo ba nakita , habang papalabas siya , umiiyak iyak siya .
Walang kumikibo .
Ryan : baket hindi nyo siya pinapansin ?. Dahil ba sa nangyari kagabi kaya kayo nagkakaganyan sa kanya ?. alam ko hindi niya rin gusto yung nangyari at mas lalong hindi niya gustong may nasaktan siya . dapat nga damayan natin siya dahil , nabastos siya , sila ni fritzie , kaibigan niya tayong lahat pero sa ipinapakita nyo , parang hindi nyo siya kaibigan . aalis muna ako hahanapin ko siya , baka may mangyaring masama sa kanya !
Ivan : sasama ako .
Jenny : ryan , umuulan .
Ryan : I don`t care ., let`s go ivan .

GInamit ni devon yung bike nya kahit umuulan .
Devon : hay , jusko saan naman ako pupunta nito ?. ayoko kala mama alam kong pupuntahan nila yun at hahanapin ako , kung gagawin lang nila yun , pano kung hindi alam ko namang galit sila sa akin . nako nako nako 
Nawalan siya ng balance at tuluyang sumemplang .
Devon : outch , grabe Malas MALAS MALAS MALAS (sigaw niya, sabay umiyak ulet)
Hindi nakakain ng lunch si devon , bumili lang siya ng soft drinks at cheese cake , pagkatapos ay nag bike ulet , at pumunta kung san san .

Nakabalik na sila ryan at ivan sa bahay nila .
James : nakita niyo na siya ?
Ivan : hindi pa eh .
Ryan ; nag-aalala ka din pala , eh di sana tumulong ka sa paghahanap .
Jenny : wala daw ba sa bahay nila tita lyn ?
Ivan : wala din daw , hindi daw pumunta don .
Hapon na at hindi pa din umuuwi si devon at palakas ng palakas ang ulan .
Ryan : nasana na kaya sya ?
Bret : malakas si devon .
Ryan : hindi pa din sapat iyun , gabi na at palakas ng palakas ang ulan , sa tingin mo kaya niya pa din yun ?
Jenny : tawagan ko kaya .
Fritizie : nasa kwarto cell phone niya .
Si devon , naglakad na lang hindi na niya kayang mag bike pa , magdamag na siyang nagbi.bike . sumasakit na din yung pwet niya , siya lang ang nasa labas , walang katao tao sa kalye , dahil sa lakas ng ulan . 8:30 nakauwi na siya .

0 comments: